Evidence Ang kumpiskadong mga shabu ng Siniloan police.

P5.5M shabu nasabat sa suspek na pusher

Gil Aman Jul 3, 2025
412 Views

Evidence1CAMP BGEN Paciano Rizal–Umabot sa P5.5 milyon na halaga ng droga ang nakumpiska sa suspek na tulak sa buy-bust ng Siniloan police noong Huwebes.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia ang nahuling suspek na si alyas Jr.

Sa ulat ng Siniloan police sa pamumuno ni P/Maj. Fernildo De Castro ST, chief of police, nahuli ang suspek ng mga miyembro ng Drug Enforcement Team (DET) bandang alas-9:55 ng umaga sa Brgy. Wawa, Siniloan, Laguna.

Naaresto ang suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 810 na gramo ng shabu na may standard price na P5,508,000, isang P1,000 bill, 13 P1,000 na boodle money na ginamit sa buy-bust, isang digital weighing scale at isang itim na bag.

Nasa kustodiya ng Siniloan police ang nahuling suspek at kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).