Casino Pinangunahan nina CDC assistant vice president for Business Enhancement (kanan) Rodem Perez at Casino Plus CEO (kaliwa) Evan Spytma ang paggawad ng premyo sa kauna- unahang nagwagi ng P303 million jackpot sa kanilang color game platform. Kuha ni JONJON C. REYES

P50 taya ng bebot nanalo ng P303M sa casino game

Jon-jon Reyes Aug 31, 2024
31 Views

IPRINISINTA ang babae na nanalo sa color game ng Casino Plus ng P303.5 milyon sa taya na P50 noong Agosto 25.

Kilala ang Casino Plus sa mga pamantayan sa operasyon at dedikasyon sa pagprotekta sa karapatan ng mga players.

Mayroon ding pisikal na casino ang Casino Plus at isang integrated resort na kasalukuyang ina-upgrade ayon sa pinakamataas na pamantayan.

Layunin ng entity na magbigay sa mga customer ng mas komprehensibong serbisyo at de-kalidad na karanasan sa libangan.

Ang mga tuloy-tuloy na pag-upgrade sa gaming experience hindi lamang nagpapataas ng kredibilidad ng platform kundi nagbibigay din ng karagdagang seguridad at katiyakan sa mga gumagamit nito.

Sa isinagawang press conference inilahad ang mga kaganapan sa likod ng jackpot at isinagawa ang paggawad ng premyo sa maswerteng nanalo.