Romero

P500,00 monthly discount para sa mga senior citizens, PWDs, sinang-ayunan ng Committee on Poverty Alleviation

Mar Rodriguez Mar 15, 2024
162 Views

BILANG chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, sang-ayon si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., sa mungkahi na magpatupad ng P500,00 monthly discount ang mga ahensiya ng pamahalaan sa lahat ng groceries para sa libo-libong Senior Citizens.

Ipinabatid ni Romero na mismong ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nangako kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez patungkol sa pagtataas ng ng discount (P260 kada linggo) para sa senior citizens kabilang na ang mga persons with disability (PWDs).

Ayon kay Romero, tiniyak din ni DTI Undersecretary Carolina Sanchez na maipapatupad ang mas mataas na diskuwentop ngayong buwan. Ang nasabing discount ay madadagdagan ng P125,00 kada linggo o P500 kada buwan na makakatulong para sa mga Senior Citizens at PWDs.

Sinabi ng kongresista na ipinahayag ng DTI na maipapatupad ang discount sa lahat ng groceries para sa mga pangunahing bilihin o pagkain katulad ng karne, bigas, tinapay at mga agricultural products gaya ng baboy, manok at mga gulay na inaasahang maipapatupad sa katapusan ng buwan.

Sa gitna ng napakamahal na presyo ng mga pangunahing bilihin, ikinatuwa din ni Romero ang naging pagkilos ng DTI para matulungan ang libo-libong Senior Citizens at PWDs sa pamamagitan ng pagpapatupad ng discount.

Kasabay nito, ikinagalak din ni Romero ang natanggap na milyon pisong cash assistance ng mga mangingisda at Senior Citizens mula sa bayan ng Aborlan, Palawan na apektado ng kasalukuyang tensiyon sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng sundalong Pilipino at China.

Sabi ng kongresista na nasa 1,589 mangingisda o fisherfolk at indigent Senior Citizens ang nakinabang sa ipinanahaging ayuda na bahagi ng commitment ni Speaker Martin Romualdez para matulungan ang mga nangangailangan.