Calendar
Provincial
P55K na fake yosi nabawi sa 2 vendors
Steve A. Gosuico
Jan 21, 2025
559
Views
TALAVERA, Nueva Ecija–Arestado ang dalawang vendors sa bayang ito na naaktuhang nagdidiskarga mula sa kanilang van ng umano’y mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P55,000 noong Martes.
Kinilala ni Lt. Col.Marlon Cudal, hepe ng pulisya ng bayan, ang dalawang suspek na edad 38 at 29.
Namataan ang dalawa ng mga pulis habang nagpapatrulya sa Brgy. Matias dakong alas-3:20 ng umaga.
Nahuli sila sa akto habang nagdidiskarga mula sa puting Nissan Urvan (JJ779A) ng apat na kahon ng pekeng Cannon Menthol na may halagang P55,000.
Nakakulong na ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026
PAGDINIG SA ZAMBOANGA SCHOOL SHOOTING
Aug 24, 2026
2 arestado sa P1.5M Kush na halagang P1.5M
Aug 24, 2026
7 nasapot ng parak sa sabong ng gagamba sa Batangas
Aug 24, 2026

