Kamara 2025 BUDGET – Isinumite ng House of Representatives personnel sa Senate Legislative Bills and Index Service staff ang 2025 General Appropriations Bill noong Oktubre 24, 2024. Photos mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

P6.352-T 2025 BUDGET ISINUMITE NG KAMARA SA SENADO

230 Views

PORMAL nang isinumite ng Kamara de Representantes sa Senado noong Oktubre 24 ang P6.352-trilyong panukalang 2025 budget na nakatutok sa social services at food security.

Sa pangunguna ng House appropriations committee chairman na si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ang naturang budget ay naglalaan ng malaking pondo para sa mga mahihirap, magsasaka, mag-aaral at sundalo.

Ayon kay Co, dinagdagan ng Kongreso ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) para sa mga may trabaho ngunit kulang ang sahod.

May dagdag ding pondo para sa edukasyon, agrikultura at maging subsistence allowance ng mga sundalo.

Ang budget ay nakatakdang pag-usapan sa Senado.

Inaasahan itong matatapos sa Disyembre para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bago matapos ang taon.