Calendar
P6.8M shabu nasamsam sa 2 pinaghihinalaang tulak
NAKUMPISKA ng mga otoridad ang halos 1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa Lala, Lanao del Norte noong Miyerkules.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Isagani Nerez, dalawang drug suspek ang naaresto sa isinagawang buy-bust sa Purok Acacia sa Brgy. Maranding.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Junaid, 20, at Warda, 35.
Maliban sa hinihinalang shabu, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang boodle money na may kasamang isang P1,000 bill at dalawang cellphones.
Nahuli ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-Zamboanga del Norte Provincial Office (PDEA-ZNPO), PDEA Lanao del Norte Provincial Office (RO-10), Regional Intelligence Unit 10 at Lala police bandang alas-6:15 ng gabi.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong pagbebenta at pag-iingat ng iligal na droga sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

