Garin

P7.2T utang ng DU30 admin dahil sa COVID-19 dapat busisiin ng Kongreso

59 Views

NAIS ni Deputy Majority Leader Janette Garin na imbestigahan ng Kongreso ang P7.2 trilyong inutang ng Duterte administration upang malaman kung nakinabang dito ang taumbayan na lubhang nahirapan sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa isang press conference, naitanong kung dapat bang imbestigahan ang pangungutang kaugnay ng COVID-19, sagot ni Garin “definitely.”

“Government loans is a very serious matter. Why? Sinangla mo kasi yung future ng iyong mga anak at mga apo and sometimes it’s even more than that. So why is it important to talk about this?

Kasi hindi pwedeng may blanket authority lang yan just like what we saw in the pandemic . Nung pandemic kasi parang naging excuse na umutang kaliwa’t kanan,” sabi ni Garin.

“Nakita naman natin na andaming inutang para sa bakuna. Again, a no-no. Loans should be dealt sacredly. Kasi minsan, madaling umutang pagkatapos bahala na si Batman sa bayaran,” wika pa nito.

Nauna rito, ipinunto niPresidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon na ang inutang na P7.2 trilyon ng adminitrasyong Duterte ay mas malaki pa sa P6.6 trilyong inutang ni dating Pangulong Manuel L. Quezon hanggang kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III o kabuuang 89 taon.

“Andami nating problema kinakaharap, pero ang pinakamalaking harang sa paggalaw at pag-unlad ay yung sangkatutak na utang na hindi naman natin alam kung tayo ay nag-benepisyo pero pilit na pilit at wala tayong magawa kundi binabayaran ng ating bayan, ng ating mga kababayan,” saad ni Garin.

Sinabi ni Garin na dapat may paki-alam ang mga Pilipino sa pangungutang ng gobyerno dahil sa kanila kukunin ang pambayad.

Ayon kay Garin ang pambayad sa utang ay otomatikong ibinabawas sa pondo na para sana sa serbisyong ibibigay ng gobyerno.

“Dito kasi, pag umutang ka at ang guarantor ay ang Pilipinas, meron tayong automatic debt servicing na tinatawag. Ibig sabihin, gustuhin mo man o hindi, babayaran mo yung utang na yan, kinakaltas yan sa budget ng Pilipinas,” sabi ni Garin.

“So kung malaki ang utang, hindi na halos makagalaw ang gobyerno. Ang katanungan, bakit ito dapat matignan? Para magkaroon ng mga batas na kung saan lang at ano ang parameters kapag ikaw ay uutang,” wika pa nito.

“Not like yung the situation of the pandemic na ang mahal mahal ng testing na binabayaran ng bawat tao. Ang laki-laki ng nagastos ng Philhealth doon sa testing. Sinisingil pa yung tao aside sa bayad ng Philhealth. Pero nakikita natin bilyon bilyon ang inutang para sa testing. Dapat libre yon,” dagdag pa ng kongresista.

Sinuportahan naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang pahayag ni Garin at sinabi na dapat ay mayroong malinaw na polisiya kaugnay ng pangungutang.

“I think we also need to revisit how can we actually enter into a loan whenever there is a declaration of state of emergency … Wala namang problema sa pag-uutang as long as we also have a system where the country can make good of debt payments,” ani Adiong.

“Kung naging excessive yung power to enter into a loan, I guess that is something that we need to revisit … We need to revisit that policy or law that grants a branch of government to excessively enter into a loan just because we are under a state of calamity,” saad pa nito.