P700M pinsala ng magnitude 7.0 sa imprastraktura

182 Views

Umabot umano sa mahigit P700 milyon ang pinsala sa imprastraktura ng magnitude 7.0 lindol sa hilagang bahagi ng Luzon noong nakaraang linggo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa 1,084 istruktura ang nagtamo ng pinsala.

Nasa P393,188,000 ang pinsala sa Ilocos region, P302,763,498.76 sa Cordillera Administrative Region at P8,540,000 sa Cagayan region.

Sa ulat ng NDRRMC, nasa 24,901 bahay umano ang napinsala sa naturang pagyanig.

Sampu naman ang napaulat na namatay at 394 ang nasugatan.

Alas-8:43 ng umaga ng maramdaman ang lindol noong Hulyo 27. Ang epicenter nito ay sa Tayum, Abra.