Shabu Iniharap ni P/BGen. Arnold Thomas Ibay, hepe ng Negros Island Police, ang suspek na nahulihan ng mahigit kumulang P7 milyon na halaga ng shabu.

P7M shabu nasamsam sa suspek na tulak

Jon-jon Reyes Dec 6, 2025
371 Views

MAHIGIT isang kilong shabu na nagkakahalaga ng halos P7 million at baril na magnum 357 ang nasamsam sa buy-bust laban sa isang drug suspek sa Negros Oriental noong Sabado.

Nalambat ng mga operatiba ng Provincial Drugs Enforcement Unit/Provincial Intellegence Unit Negros Oriental Provicial Police office (PDEU/PIU -NOrPPO) ang 33-anyos na suspek na si alyas Basim sa Purok 5, Brgy. Jilocon, San Jose, Negros Oriental.

Ayon kay Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, hepe ng Negros Island Region police, bandang alas-11:15 ng umaga ng ikasa ang anti-illegal drug operation sa pangunguna ni P/Capt Jonah Acal at P/Lt. Col. Marlon Mallorca sa utos ni P/Col. Criscente Tiguelo na nagresulta sa pagka-aresto sa suspek at pagkakakumpiska ng mga ebidensya.

Narekober sa suspek ang mahigit kumulang na 1,019 gramo ng shabu na may halagang P6.92 milyon.

Nakuha rin sa suspek ang 1 black belt bag, 1 infinix touch screen cellular phone, 1 brown wallet, 1 P1,000 note at 49 piraso ng bogus P1,000 bill, P800, 1 .357 mm revolver at 1 dark blue Honda Click.

Nagpasalamat si P/BGen Ibay sa mga pulis sa pagka-aresto sa suspek.