Guerrero

P80M pekeng produkto kinumpiska

476 Views

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang may P80 milyong halaga ng pekeng gamit sa isinagawang operasyon sa Pasay City.

Pinasok ng mga tauhan ng BOC ang warehouse sa Vergel st., Pasay City sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na ipinalabas ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Nakita umano sa warehouse ang mga pinekeng produkto ng Jordan, Versace, Nike, Gucci, Burberry, Lacoste, at iba pa.