NAIA

P89.5M halaga ng shabu tinangkang ipuslit sa NAIA

165 Views

IDINEKLARANG “snacks” at tinangkang ipuslit sa bansa ang tinatayang P89.59 milyong halaga ng shabu na galing umano sa Nigeria.

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang consignee sa isang controlled delivery operation noong Enero 11 sa Las Piñas City.

Tumitimbang umano ng 3,175 gramo ang puting crystalline substance na nakapaloob sa package. Nang suriin sa laboratoryo ay nakumpirma na ito ay shabu.