Calendar
Provincial
P952K shabu nakumpiska sa binata sa Taytay
Jojo Cesar Magsombol
Oct 29, 2024
492
Views
CAMP BGen Vicente Lim–Arestado ang isang 21-anyos na binatang lalaki dahil sa 140 na gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P952,000 sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal noong Lunes.
Ang suspek, si alyas Jayson, natimbog bandang alas-12:27 ng madaling araw, ayon sa mga pulis.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang ilang gamit sa suspek, kabilang ang isang sling bag, digital weighing scale, at buy-bust money.
Dinala ang naarestong suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination.
Nakakulong sa Taytay police custodial facility ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026
PAGDINIG SA ZAMBOANGA SCHOOL SHOOTING
Aug 24, 2026
2 arestado sa P1.5M Kush na halagang P1.5M
Aug 24, 2026
7 nasapot ng parak sa sabong ng gagamba sa Batangas
Aug 24, 2026

