Shabu

P97M shabu naharang ng BOC sa NAIA

13 Views

Shabu1Shabu2NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang 14,396 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride, o shabu, na nagkakahalaga ng P97.89 milyon na tinangkang ipuslit ng isang pasahero sa NAIA Terminal 3 noong Enero 16.

Nakita ang kahina-hinalang dala ng pasahero sa isinagawang x-ray scanning kaya idinaan din ito sa K9 inspection, at sa physical examination kung saan nadiskubre ang iligal na droga na nakatago sa luggage ng dalawang South African nationals na galing sa Dubai.

Ang operasyon ay isinasagawa ng BOC sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

Ang nakumpiskang iligal na droga ay ibinigay sa pangangalaga ng PDEA, na nagsasagawa ng imbestigasyon upang makapagsampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) laban sa mga suspek.

Kinilala ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang maigting na pagbabantay ng mga tauhan ng ahensya laban sa smuggling.

“Your continuous dedication in enhancing the border control measures at the airport underscores our commitment in ensuring the safety of the Filipino people. We will remain vigilant and proactive in our efforts against all forms of illegal trade,” ani Commissioner Rubio.

Nangako naman ang BOC-NAIA, sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Atty. Yasmin O. Mapa na ipagpapatuloy ang maigting na pagbabantay katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno upang mapigilan ang smuggling ng iligal na droga at iba pang kontrabando sa bansa.