Calendar
Paalala ng DILG: Walang SOCE di pwede umupo sa pwesto
IPINAALALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi maaaring manungkulan ang mga kandidato na hindi naghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ayon sa DILG Sec. Eduardo Año malinaw ang nakasaad sa batas at sa panuntunan ng Commission on Elections (Comelec) na ang SOCE ay isang requirement sa lahat ng kumandidato nanalo man o hindi.
Ang mga hindi nanalo na hindi maghahain ng SOCE ay maaaring pagbawalan na muling makatakbo.
“It’s plain and simple: No SOCE, no oath taking for NEOs. We encourage our NEOs to start their term right by complying with the provisions of the law and submitting their SOCE to the Commission on Elections (Comelec) on or before June 8, 2022,” sabi ni Año.
Kasama sa idedeklara sa SOCE ang cash at in-kind na kontribusyon na natanggap ng isang kandidato gayundin ang inilabas nitong pera na pambayad sa kanyang mga gastusin.
“Sana po ay simulan ninyo ng tama ang inyong mga termino. Comply with your legal obligation as enshrined in our Constitution,” dagdag pa ni Año.
Ang hindi makakapaghain ng SOCE ay pagmumultahin rin ng P1,000 hanggang P3,000.
Sa ikalawang paglabag, ang parusa ay perpetual disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.
Ang deadline sa paghahain ng SOCE ay sa Hunyo 8.