soccer Walang nakakagarantiya na makapasok sa final roster sa unang salang ng bansa sa FIFA Women’s World Cup, ayon kay coach Alen Stajcic. AFC photo

Paalala ni Stajcic bago World Cup

Theodore Jurado Mar 11, 2022
553 Views

MAY paaaala si Alen Stajcic, na lumagda kamakailan upang manatili sa Philippine women’s football team, sa mga manlalaro na kumatawan sa bansa sa AFC Women’s Asian Cup nitong nakalipas na buwan.

Walang nakakagarantiya na makapasok sa final roster sa unang salang ng bansa sa pinakamalaking football showpiece ng mundo, kung saan maari isa sa kanila ay mawalan ng puwesto.

“It’s theirs to lose. It’s open for everyone,” sabi ni Stajcic. “No one owns that shirt, you’re just renting it.”

Bukas naman ang Australian coach sa pagbuo ng pools at rosters sa mga nalalapit na competitions para sa mga Filipinas kung saan may mga manlalaro ang hindi nakasali sa India tournament.

Magiging abala ang mga Filipinas, kung saan sasabak sila sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa May.

Sasali rin ang Philippines sa AFF Women’s Championships sa Manila sa July, at maging sa Asian Games sa China sa September.

“Now the real hard work starts,” sabi ni Stajcic. “Very excited of this whole process and journey towards the World Cup. It’s up to us to give them the best preparation we can get.”

Ang desisyon niyang manatili sa Philippine women’s football team ay base sa “passion and heart”.

Lumagda ang 48-anyos na coach ng contract extension nitong nakalipas na linggo upang manatili sa programa hanggang sa World Cup na gaganapin sa Australia at New Zealand.

“It definitely was a decision of the heart. There were other offers. Just being around such wonderful people, it was really a joy being a part of that group,” sabi ni Stajcic.

Sa pagluluwag ng mga quarantine restrictions, lumutang ang posibilidad na magdaos ng training camp ang mga Filipinas dito bansa. Ginawa ng Philippines ang kanilang training para sa Women’s

Asian Cup sa Irvine, California na tumagal ng dalawang buwan.

“There is a plan to train here locally,” sabi ni Stajcic.