Calendar

Pacquiao ipinakita tunay na statesmanship sa mga katunggali
SA kabila ng pagiging mag-karibal sa senatorial position, ipinakita pa rin ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial bet Manny “Pacman” Pacquiao ang “statesmanship” sa kaniyang mga katunggaling kandidato.
Hindi naman nagpa-apekto si Pacquiao sa init ng politika matapos na makasabay at makaharap nito sa pangangampanya ang mga kapwa nito kandidato na sina Sen. Bong Go at Willie Revillame.
Ipinamalas nito ang tunay na “statesmanship” makaraang magkasalubong ng motorcade nito ang motorcade naman nina Sen. Bong Go at Revillame sa North Caloocan.
Nag-abot ng kamay ang dating senador kina Go at Revillame bilang tanda ng pagkakaisa o unity sa kabila ng magkaiba nilang paniniwala at paninindigan.
Ipinahayag din ni Pacquiao na ang pakikipag-kamay nito sa kaniyang mga katunggali ay isang tanda rin para tuldukan na ang alitan sa pampolitika kasunod ng kaniyang panawagan sa mga Pilipino na sama-samang harapin ang tunay na problema ng bansa.
Sabi pa ni Pacquiao na panahon na upang isa-isangtabi ang anomang hindi pagkakaunawaan sa pampolitika at sa halip ay ituon na lamang ang atensiyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa lalo na ang paglilingkod sa mamamayang Pilipino.
“As we face a national crisis, it’s time to set aside political differences and focus on what really matters, the Filipino people. The essence of election isn’t about us, it’s serving our fellow Filipinos.
Let’s work together for the greater good and stop bickering,” wika nito.
Dahil sa pangyayaring ito, sabi naman ng ilang nakasaksi na ipinakita ni Pacquiao na hindi lamang siya isang simpleng senatorial candidate kundi ang ipinakita rin nito na siya ay isang “gentleman”.