Calendar

Pacquiao, isusulong ang mga programa para sa mga barangay
MANILA – “Walang mahirap na barangay”.
Ito ang sisikaping isulong ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao para sa lahat ng mga barangay sa buong bansa para bigyang daan ang kanilang pag-unlad upang walang maging mahirap na barangay kahit pa sa pinaka-liblib na lugar sa Pilipinas.
Ang pahayag ng dating senador ay kasunod ng ginawa nitong pakikipagpulong sa mga kasapi ng Liga ng mga Barangay leaders mula sa Region 8 para ilatag sa kanila ang kaniyang mga binabalak o pina-plano sakaling siya ay papalaring makabalik ng Senado pagkatapos ng halalan sa Mayo.
Ayon kay Pacquiao, isusulong nito ang lalo pang pagpalalakas sa Barangay governance o ang se-kalidad na pamamahala sa iba’t-ibang mga Barangay sa buong bansa kabilang na dito ang itutulak nitong modernisasyon para sa kanila na malaki ang maitutulong sa kanilang pag-unlad.
Sabi din ni Pacquiao na sisikapin nitong tutukan at isulong ang mga programa na naglalayong mai-angat ang pamumuhay ng mga Pilipino na nasa “grassroots level” o mga mahihirap na mamamayan na napagkaitan ng magandang kapalaran.
Sa kaniyang mensahe sa harap mg libo-libong barangay officials sa Citu State Hotel sa Mabini, Manila, binigyang diin ng “The People’s Champ” ang napakahalagang papel na ginagampanan ng mga Barangay bilang mga “frontliners of governance” para tiyakin na makakarating ang kanilang serbisyo sa lahat ng residente sa kanilang komunidad.
Paliwanag ni Pacquiao na ang mga barangay ang unang nilalapitan ng mga residente sa oras ng pangangailangan kaya dapat lamang aniya na palakasin pa lalo ang suporta para sa mga Barangay.
“Kayo ang unang nilalapitan ng ating mga kababayan sa oras ng pangangailangan. Dapat lang na palakasin natin ang suporta sa barangay,” sabi nito.
Kasabay nito, muling binanggit ni Pacquiao ang kaniyang commitment sa pagpapalakas sa barangay governance sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng mga panukalang batas at policy reforms na malaki ang maitutulong para sa kaniyang mga adhikain at minimithi para sa mga Barangay.
Kabilang sa mga programang isusulong ni Pacquiao para sa mga barangay ay: 1. Paglalaan ng makaking pondo, 2. pagkakaroon ng benepisyo para sa mga Barangay workers, 3. Health care at livelihood at Stronger peacekeeping.