Calendar

Pacquiao mainit na sinalubong sa Batangas
MAINIT na sinalubong ng libo-libong residente ng Batangas ang “Pambansang Kamao” at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao matapos nitong bisitahin ang iba’t-ibang bayan sa nasabing lalawigan.
Nabatid na hindi magkamayaw ang mga tao nang mainit na salubungin ng libo-libong Batanggueno ang dating Senador kasunod ang pakikipag-kita nito sa iba’t-ibang Barangay officials at mga local leaders upang ilatag ang kaniyang mga plata-porma at programa.
Sa kaniyang pakikipag-pulong sa mga nabanggit na local officials ng lalawigan, muling inilatag ni Pacquiao ang kaniyang commitment at vision para sa kinabukasan ng ating bansa at isusulong na programa sakaling siya’y papalaring makabalik sa Senado.
Nakipagkita din si Pacquiao kay Senator Loren Legarda nang bisitahin naman nito ang bayan ng Nasugbu kung saan nakipag-pulong din ito sa mga locan leaders ng Nasugbu kasama na ang anim-na-put isang Barangay officials ng naturang bayan.
Ang ginanap na pakikipag-diyalogo ng tinaguriang “the people’s champ” sa libo-libong residente at local officials ng Batangas ay tumutok sa mga isusulong nitong programa kabilang na dito ang community development, livelihood programs at local infrastructure.
Kasabay nito, naniniwala si Pacquiao na bagama’t namamayagpag sa survey ang mga kandidato ng APBP ay hindi parin sila dapat magpa-kumpiyansa sa halip ay kailangan pa nilang sipagan sa kanilang mga pangangampanya.
Para kay Pacquiao, ang pangunguna ng mga kandidato ng Alyansa sa pre-election survey ay isang malinaw na indikasyon na malaki ang kumpiyansa ng mayorya ng sambayanang Pilipino sa kanila bilang mga pambato ng adminitrasyon kaya nararapat lamang na mas lalo pang nilang ipagpursige ang kanilang pangangampanya.