Pacman3

Pacquiao nakuha suporta ng JIL ni Bro. Eddie Villanueva

Mar Rodriguez May 6, 2025
17 Views

PARA sa mga miyembro ng Christian community, si Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang inspirasyon ng mga taong nagbabalik loob sa Diyos.

Kaya naman, nakuha ni Pacquiao ang endorsement ng buong kapatiran ng Jesus Is Lord (JIL) sa pangunguna ni Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) Party List Representative Brother Eddie C. Villanueva.

Dahil dito, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na bunsod ng nasabing endorsment ng JIL, lalo pang pinagtibay ng lumalaking Christian support para sa kandidatura ni Pacquiao para sa nalalapit na May midterm elections.

Bukod kay Pacquiao, nakuha din nina dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Pia Cayetano, Sen. Panfilo “Ping” Lacson at dating Sen. Francisco “Kiko” Pangilinan ang suporta at endorsment ng JIL.

Paliwanag ni Villanueva na may malaking puwang si Pacquiao para sa Christian community dahil sa kaniyang pagpapahayag ng pananampalataya at pagbabalik loob sa Panginoon.

“Manny has been an inspiration to many, his journey from hardship to heroism and from the ring to halls of Congress reflects the kind of moral leadership of our country needs,” wika ni Villanueva.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Pacquiao para sa JIL dahil sa kanilang tiwala, kasunod ang kaniyang pangako na isusulong nito ang mga programa at adbokasiya na sumasalamin sa Christian values, social justice at national progress.

“I am humbled by the endorsement of JIL and Brother Eddie. I will continue to fight for the poor, defend the truth and serve the Filipino people with integrity,” ayon naman kay Pacquiao.