Romero

Pacquiao pinapurihan si Romero

Mar Rodriguez Oct 24, 2024
13 Views

Romero1Romero2Romero3PINAPURIHAN ng world boxing champion at dating Senator Manny “Pacman” Pacquiao si 1-PACMAN Party List. Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D.

Ito ay bunsod ng hde-kalidad na paglilingkod ng kongresista sa pamamagitan ng mga isinulong nitong panukalang batas para sa sports development at pagpuksa sa kahirapan.

Pinuri ni Pacquiao si Romero sa ‘party meeting’ na idinaos sa General Santos City. Ipinahayag ng dating Senador na kailangan nilang tutukan ang mga isinusulong na programa upang mapaunlad ang sports ng bansa kabilang na dito pagbibigay ng suporta para sa mga Pilipinong atleta.

Sabi ni Pacquiao na makikitang malaki na ang inasenso at pag-unlad ng mga Pilipinong atleta dahil sa kanilang ipinapakitang husay at galing na nagbibigay ng napakalaking karangalan para sa Pilipinas.

“Kitang-kita natin ngayon na magagaling ang ating mga atleta at umaani ng karangalan para sa ating bansa. Kailangan talaga nating tutukan ang laban para sa lalo pang pag-unlad ng sports sa ating bansa,” sabi ni Pacquiao.

Dagdag pa ng dating Senador na ang pag-unlad ng Philippine sports ay resulta ng hindi matatawarang paglilingkod ni Romero bilang mahusay na Kinatawan ng 1-PACMAN Party List dahil sa napakaraming programang isinulong nito para sa sports development ng bansa kasama na ang pagsusulong sa kagalingan at interes ng mga Pilipinong atleta.