Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Delima

Pag-amba sa kanya ni DU30 tinawag ni De Lima na kaduwagan

163 Views

Kaduwagan!

Buwelta ito ni dating Senador Leila de Lima nang ambahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara kaugnay sa madugong anti-drug war campaign ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay de Lima, hindi niya napansin ang pang-aamba sa kanya ni Duterte dahil abala siya sa pagsagot sa tanong ng mga kongresista.

“Hindi ko nakita until may dalawa o tatlo sa akin nag-message…. Mayroon pa isa na nagpadala ng video mismo,” pahayag ni de Lima.

Aminado si de Lima na nasaktan siya sa ginawa ni Duterte.

“That was so unbecoming, that was offensive kasi wala na siyang any sense of decency, ang tawag diyan, indecency na wala naman ako ginagawa sa kanya tapos ganun ang reaction niya,” pahayag ni de Lima.

“Ang isa pang tawag diyan, kaduwagan, isa siyang duwag,” dagdag ng dating Senador.

Matatandaang ipinakulong ni Duterte si de Lima dahil sa pagkakadawit umano sa illegal na droga.

Gayunman, inabswelto ng korte si de Lima sa kaso.