Pag-amin ni Klarisse pinalakpakan

Vinia Vivar Apr 4, 2025
43 Views

Matapang ngunit proud na inanunsyo ng Kapamilya singer na si Klarisse ang tunay niyang pagkatao sa Wednesday episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Ni-reveal niya sa kanyang housemates na isa siyang miyembro ng LGBTQ+ community matapos ang task nila na pinangunahan ng celebrity house guest na si Michelle Dee.

“Sa tingin ko, ito na ’yung time para sabihin sa inyong lahat, and to tell the world, that I am not straight. I am bi (bisexual),” ang big revelation ng singer.

Inamin din niyang may partner siya for four years named Trina.

“’Yung kinukwento ko sa inyo na may four years akong partner, yes, I have a partner for four years. Her name is Trina. And hindi ko in-expect na masasabi ko ngayon ito. Wala lang, ang lakas lang ng loob ko para sabihin. And hindi alam ng public but alam ng parents ko,” pagbabahagi niya.

“And kasama ngayon ng mama ko is her,” aniya pa.

“And I guess, komportable na akong sabihin sa inyong lahat. With Michelle Dee pa. And hindi ko mahintay na ma-meet n’yo siya. And I miss her,” patuloy niya.

Sinabi rin ni Klarisse na hindi siya nahirapan sa pag-come out sa kanyang pamilya, kaibigan at kamag-anak dahil natanggap siya agad ng mga ito.

“So, I am proud!” sigaw pa niya.

Umani naman ng masigabong palakpakan mula sa kanyang housemates ang pagtatapat ni Klarisse, tanda ng full support sa kanya, kabilang na si Michelle, na umamin na rin noon pa na isang bisexual.

Positibo rin ang naging pagtanggap ng maraming netizens and viewers sa tunay na pagkatao ni Klarisse at hinangaan siya sa matapang niyang pag-amin on national TV.