Angeles

Pag-angkat ng 300,000 MT asukal ibinasura ni PBBM

229 Views

IBINASURA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang plano na mag-angkat ang bansa ng hindi bababa sa 300,000 metriko tolenada ng asukal.

Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang pahayag na inilabas ng Palasyo.

Bilang tumatayong kalihim ng Department of Agriculture, si Marcos ang chairperson ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

“He is the chairman of the Sugar Regulatory Board and denied this in no uncertain terms,” sabi ni Cruz-Angeles.

Ayon sa SRA bumaba na ang nalalabing suplay ng asukal sa bansa kaya ikinonsidera nito ang pag-angat ng asukal sa mga bansa sa Asya.

Nasira umano ang mga taniman ng tubo sa pananalasa ng bagyong Odette kaya nagkaroon ng pagbaba ng lokal na suplay ng asukal.