Eddie Garcia Bill

Pag-apruba ng Senado sa Eddie Garcia Bill ikinagalak

Mar Rodriguez Feb 19, 2024
129 Views

LABIS na ikinagalak ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D ang pag-apruba ng Senado sa inakda nitong panukalang batas na mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa sa pelikula at telebisyon.

Ayon kay Romero, isinusulong ng “Eddi Garcia Bill” na mapangalagaan ang mga manggagawa sa telebisyon at pelikula sa pamamagitan ng pagtitiyak na ligtas ang kanilang pinagtatrabahuhan upang maiwasan ang aksidente o trahedya gaya ng sinapit ni Eddie Garcia sa set ng GMA-7.

Ipinaliwanag ni Romero na ang aksidenteng sinapit ni Eddie Garcia ang nag-udyok sa kaniya na isulong ang panukalang batas noong 18th at 19th Congress para mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon o maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pamgyayari.

“Ang iniisip lamang natin dito ay ang kapakanan ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon. Nais natin na mabigyan sila ng proteksiyon at tiyakin na ligtas ang kanilang working place. Kaya nagpapasalamat tayo sa Senado at naipasa na ang Eddie Garcia Bill,” sabi ni Romero.