Romero

Pag-apruba sa sa P500 pensiyon ng mga seniors pinuri ni Romero

Mar Rodriguez May 16, 2024
98 Views

Romero1IKINAGALAK ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., pagkaka-apruba ng House Committee on Appropriations sa budget na naglalayong pagkalooban ng “universal pension” ang lahat ng senior citizens.

Ayon kay Romero, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, ilang hakbang na lamang ay magiging ganap na batas na ang naturang panukalang na malaki ang magiging pakinabang para sa mga senior citizens.

Sinabi ni Romero na kapag naging ganap na batas ang panukala mabibigyan ng P500 na social pension ang lahat ng mga senior citizens na hindi naman sakop ng kasalukyang social pension.

Nabatid din kay Romero na makalipas ang limang taon ay gagawin naman P1000 ang matatanggap nilang social pension na kapantay ng benpisyong natatanggap ng mga kasalikuyang benepisyaryo.

Idinagdag pa ni Romero na nakatakdang isalang ang panukalang batas sa Plenaryo ng Kamara de Representantes at inaasahan na ito’y maaprubahan bago mag-Sine Die adjournment ang session ng Kongreso sa susunod na linggo.

Samantala, kinilala naman ang hindi matatawaran at natatanging paglilingkod ni Romero bilang lider at kinatawan ng 1-PACMAN Party List sa Kamara de Representantes matapos itong tanghalin bilang “Congressman of the Year sa prestisyosong Nation Builders and MOSLIV Awards.

Ang award na iginawad kay Romero ay pagpapatunay sa kahanga-hanga at outstanding leadership ng kongresista.