Calendar

Pag-aresto kay Digong, simula ng paggulong ng hustisya.
ANG pagkaka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga tauhan ng International Police (Interpol) kasunod ang gagawing paglilitis sa kaniya patungkol sa kasong “crimes against humanity” na isinampa laban sa kaniya ng International Criminal Court (ICC) ang simula ng paggulong ng hustisya.
Ito ang ipinahayag, Marso 11, ng Chairman ng House Quad Committee na si Surigao del Norte 2nd Dist. Rep. Robert Ace S. Barbers na ang pagkakadakip kay dating Pangulong Duterte ay tanda ng pinakamahalahang pangyayari sa kasaysayan ng bansa sa paghahanap nito ng katarungan para sa napakaraming inosenteng biktima ng madugo at brutal na war-on-drugs campaign ng nakalipas na administrasyon.
Sabi ng kongresista na ito na rin ang pagsisimula para makamit ng mga pamilya ng tinatayang 30,000 biktima ng Extra-Judicial Killings (EJKs) ang hustisya kung saan ang karamihan aniya sa mga naging biktima ay mga inosenteng bata at kabataan na maituturing lamang bilang ‘colateral damage”.
Paliwanag ni Barbers na ang mahalagang kaganapang ito ang inaasahang pagsisimula din ng panibagong yugto para muling maibalik ang tiwala ng publiko sa justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpaparusa at pagpapanagot sa mga taong lumabag sa alituntunin ng batas gaya ng kinasangkutan ng dating Pangulo.
Pagbibigay diin ni Barbers na walang sinoman ang nangingibabaw sa batas. Ang pag-aresto aniya kay Duterte ay isang hakbang tungo sa pagkamit ng katarungan para sa pamilya ng napakaraming biktima at nawalan ng kanilang mahal sa buhay bunsod ng marahas at malupit na EJK o war-against-drugs campaign ng dating Pangulo.
“Ito ay patunay na sa ating bansa. Sa Bagong Pilipinas na walang sinoman amh nasa ibabaw ng batas. Ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay isang hakbang tungo sa katarungan para sa mga pamilya ma nawalan ng kanilang mahal sa buhay dahil sa EJK,” wika ni Barbers.
Ayon pa kay Barbers, sa halip na itaguyod ng mga Kapulisan ang hustisya at ipagtanggol ang mga inosenteng sibilyan at mamamayan. Bagkos, binuksan pa ng EJK ang pintuan para lumaganap ang mga walang habas na pagpatay sa hanap ng Philippine National Police (PNP) kung saan mistulang parang mga hayop o manok lamang ang kanilang pinapatay.
“Sa halip na itaguyod ang hustisya. Binuksan nito ang pintuan para sa culture of impunity sa hanay ng ating law enforcers na isantabi ang batas at hustisya sa mga suspek pa lang. At pagpapatupad ng karahasan na nagdulot ng pagkamatay ng mga insonteng mamamayan, ” sabi pa ng mambabatas.
To God be the Glory