TRB

Pag-ayos ng RFID system pag-aaralan

Chona Yu Sep 23, 2024
162 Views

TINIYAK ng Toll Regulatory Board (TRB) na hindi maniningil ang kanilang hanay sa penalty sa mga hindi susunod sa Radio Frequency Identification (RFID) program.
Pahayag ito ng TRB sa kabila ng sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sisimulan na sa Enero ang paniningil ng multa sa mga sasakyan walang nakakabit na RFID.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni TRB executive director Atty. Alvin Carullo, aayusin muna ang operation issues ng mga toll operators.

“Pag-aaralan po namin, kung sa dumating January natin talagang hindi pa rin nakakamit nila iyong tinatawag natin na efficiency ng ating toll operation system, maaari po na i-differ pa natin ng further,” PAHAYAG NI Carullo.

Nasa P1,000 ang multa para sa first offense, P2,000 sa second offense at P5,000 sa subsequent offenses.

Tiniyak naman ni Carullo na pagmumultahin ang mga toll operators kung mabibigong ayusin ang sistema.