Estrada

Pag-freeze ng ari-arian, pera, assets ni Guo sa ilalim ng AMLC inirekomenda

25 Views

NANINDIGAN si Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Estrada na dapat na i-freeze ang lahat ng ari-arian, pera at mga iba pang asset ng suspendidong mayor ng Bamban Tarlac na si Mayora Alice Guo sa ilalim ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ang reaksyon ni Estrada ay base na rin sa mga alegasyon kamakailan lamang na may sapat na katuwiran at ebidensiya ang gobyerno na maghain ng kaso kay Mayora Guo bunsod ng mga nakalap na mga dokumento ng mga otoridad sa ginawang raid sa Tarlac at sa Porac, Pampanga.

“In light of recent allegations and emerging evidence on Mayor Guo, it is imperative that the AMLC take decisive action to safeguard the integrity of public funds, ensure accountability and promote transparency. This move is a crucial step in preventing the disposition of purported illegally acquired assets that may be subject to investigation.” ani Estrada na nagsabing dapat gawin ito ng agaran.

Dinagdag pa ni Estrada na mahalagang pagtuunan ng pansin ang bagay na ito at imbestigahan nang masusi ng tamang ahensiya ng gobyerno.

“Ang ganitong hakbang ay makatutulong upang magkaroon ng masusing imbestigasyon at malaman ang katotohanan sa likod ng kaliwa’t kanang akusasyon na may kinalaman diumano ang lokal na opisyal sa ilang iligal na aktibidad, kabilang ang money laundering.” paliwanag ni Estrada.

Ipinunto rin ni Estrada na dapat lamang na pag-igihan ng mga otoridad ng gobyerno ang pagtugis sa mga ilegal na Phil Offshore Gaming Operator na ginagamit ng mga sindikato upang mapalawig pa ang kanilang mga ilegal na gawain.

“This action should also prompt our authorities to thoroughly investigate the entangling web of illegal activities perpetrated in POGOs.” ani Estrada.