Pag-imprenta sa balotang gagamitin sa BSKE matatapos sa Pebrero

166 Views

Target ng Commission on Elections (Comelec) na matapos ang pag-imprenta sa mahigit 91 milyong balota na gagamitin sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Ayon sa Comelec chairperson George Garcia kasama sa iimprenta ang balota para sa mga nadagdag na botante dulot ng muling pagbubukas ng voter registration.

Sinabi ni Garcia na mayroong sapat na panahon ang Comelec upang maipadala sa iba’t ibang lugar mga balota na gagamitin sa eleksyon sa Oktobre 30, 2023.

Nauna rito ay inihinto ng Comelec ang pag-imprenta sa mga BSKE ballot upang bigyang daan ang pag-imprenta sa mga balota na gagamitin sa special election sa Cavite.