Calendar
Pag-unfollow kina Piolo at Kyle inamin ni Bela
Inamin ni Bela Padilla na in-unfollow niya talaga sina Piolo Pascual at Kyle Echarri sa Instagram.
Napansin kasi ng netizens na mabibilis ang mata na in-unfollow ng aktres ang dalawang aktor at mabilis na ngang kumalat sa social media.
Kaya naman mabilis ding in-address ni Bela ang issue at nagpaliwanag sa kanyang X account.
Nireshare ng aktres ang isang post na ganito ang nakasaad: “Just in: Did Bela Padilla unfollow Kyle Echarri and Piolo Pascual?”
Kalakip nito ang sagot ni Bela na umamin naman pero may paliwanag siya.
“I did! I woke up one day and I was following around 7,000 people. So now, I’m trying to declutter by bringing my following down to zero slowly and then will follow my friends back one by one after,” sey ni Bela.
Aniya pa ay nakausap na niya si Kyle tungkol dito.
“I was just talking to Kyle about this last night,” paliwanag pa niya.
So, there.