SAF

Pag-unlad ng SAF maaasahan sa paglagda ng MOA ng CAAP, 2 pang entities

Jun I Legaspi Jun 15, 2026
27 Views

SAFLUMAGDA ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Island Skies Alliance (ISA) aT Global Green Growth Institute (GGGI) noong Hunyo 9, 2026 sa Pasay City ng memorandum of understanding (MOU) upang pabilisin ang pag-unlad ng Sustainable Aviation Fuel (SAF) ng sektor ng abyasyon.

Pinangunahan ang paglagda nina CAAP Deputy Director General for Operations Rozzano Briguez, GGGI Executive Director Sang-Hyu Kim at ISA President Amrendra Kumar.

Magtutulungan ang tatlong entities sa pagbuo ng pambansang ecosystem para sa SAF sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga stakeholder, pilot projects, capacity-building programs at carbon market initiatives.

Magbibigay din sila ng teknikal na tulong, pagbuo ng polisiya, capacity-building, at akses sa pandaigdigang eksperto para sa pag-unlad ng SAF at mas malawak na inisyatibo sa sustainability ng abyasyon.

Kasama sa mga benepisyo ng SAF ang pagpapalakas ng seguridad sa enerhiya, pag-akit ng pamumuhunan at paglikha ng mga trabaho.