Summer Source: File photo

PAGASA: Amihan tapos na, simula na ng tag-init

35 Views

OPISYAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng panahon ng Amihan, at ang pagsisimula ng tag-init.

Ayon sa Pagasa, nagbago na umano ang wind pattern mula sa northeasterly patungo sa easterly at paglakas ng air temperature sa maraming bahagi ng banasa.

Dahil dito, hudyat na ito ng pagsisimula ng warm and dry season o panahon ng tag-init.

Sa mga darating na buwan, ang bilang ng mga araw na dry at warm sa buong bansa ay lalong madaragdagan.

Gayunman, patuloy na mararanasan ang mga isolated na thunderstoms sa hapon o gabi.

Kasunod nito, pinapayuhan ang publiko at lahat ng ahensya ng gobyerno na mag-ingat kontra sa heat sress, magtipid sa paggamit ng tubig, at maging handa sa mga panganib bunsod ng climate change.