Amihan

PAGASA ideneklarang simula na ng amihan

86 Views

IDINEKLARA na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na simula na ang amihan o northeast monsoon matapos maobserbahan ang paglakas ng northeasterly winds sa hilagang Luzon matapos ang pananalasa ng bagyong Pepito.

Bukod pa ito sa nangyaring paglakas ng high pressure area sa Siberia nitong mga nagdaang araw.

Inaasahan na magkakaroon ng paglakas ng northeasterly winds simula ngayon at bukas.

Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, asahang magiging malamig na ang panahon at titindi pa sa mga susunod na mga araw na magdudulot ng paglamig ng hangin sa Northern Luzon–na indikasyon ng amihan.

Inaasahan sa mga darating na buwan ang mga episode ng hangin at malamig na temperatura pati na ang pagtaas ng prevalence ng maalon na kondisyon ng karagatan, partikular sa seaboards ng Luzon, ayon sa PAGASA.