Calendar

Pagbaba ng mga mahihirap na pamilya, patotoo sa tunay na pagbabagong hatid ng administrasyong Marcos — Speaker Romualdez
IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang resulta ng pinakabagong Tugon ng Masa (TNM) Survey na isinagawa ng OCTA Research na nagpapatunay sa pagbabagong hatid sa buhay ng mga Pilipino ng mga repormang ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“The numbers tell a powerful story of progress,” ani Speaker Romualdez. “More than 2.1 million Filipino families no longer consider themselves poor. That’s not just a statistic—it’s a breakthrough in the fight against poverty. It’s a signal that our programs are working, and the nation is moving forward.”
Batay sa TNM Survey nitong Abril 2025, bumaba sa 42 porsiyento ang mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap—bumaba mula sa 50 porsiyento na naitala limang buwan na ang nakalilipas.
Malaki rin ang ibinaba ng food poverty, mula 49 porsiyento tungo sa 35 porsiyento, na katumbas ng humigit-kumulang 3.7 milyong pamilyang hindi na nakakaramdam ng kakulangan sa pagkain.
“These are real and measurable gains. From livelihood assistance to food security, from cash transfers to job generation—this administration is delivering on its promise to uplift lives,” diin pa ni Speaker Romualdez.
Bagama’t nananatiling halos pareho ang hunger rate sa 13 porsiyento kumpara sa nakaraang quarter, binigyang-diin ni Speaker Romualdez na halos 792,000 pamilyang Pilipino ang naiulat na hindi na nakaranas ng involuntary hunger.
Nanawagan si Speaker Romualdez sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga mambabatas na ipagpatuloy ang magandang momentum na ito.
“This is proof that the Bagong Pilipinas vision of President Marcos is not just aspirational—it is attainable. But we must keep pushing,” aniya.
Hinikayat din niya ang publiko na maging mapanuri sa mga naratibo na layong sirain ang positibong progreso.
“Let’s focus on the facts. Let’s build on what’s working. And let’s reject the noise of baseless negativity,” sabi ni Speaker Romualdez.
Muli ring tiniyak ni Speaker Romualdez ang pangako ng Kamara de Representantes na suportahan ang mga panukala para mapababa ang hindi pagkakapantay-pantay, pagpapalawak ng oportunidad at panatilihin ang pag-unlad
“We are ready to work even harder to ensure that more Filipino families rise above poverty and live with dignity and hope,” saad ng lider ng Kamara.