Barbers

Pagbaba ng mga walang trabaho dahil sa polisiyang pang ekonomiya ni PBBM– Barbers

Mar Rodriguez Jan 10, 2024
154 Views

ANG pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa ay indikasyon umano na gumagana ang mga economic policy na ipinatupad ng administrasyong Marcos, ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

“The President and his economic team, and their allies in Congress, principally the House of Representatives, are on the right track. The newest data indicated that the economy has created more than 200,000 jobs,” ani Barbers.

Ang reaksyon ni Barbers ay kasunod ng ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang unemployment rate sa 3.6 porsyento noong Nobyembre mula sa 4.2 porsyento noong Oktubre, o bumaba sa 1.83 milyong Pilipino mula sa dating 2.09 milyon.

Ayon sa mambabatas mula Mindanao pamumuhunan ang nagtulak sa pagbubukas ng mga bagong mapapasukang trabaho at kabuhayan para sa mga Pilipino.

Kumpiyansa si Barbers na mas darmi pa ang mapapasukang trabaho sa bansa kung matutuloy ang isinususlong na pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon para pumasok ang mas maraming dayuhang mamumuhunan.

“More foreign investments will mean more jobs, more economic activities and more income for our people,” sabi niya.

Paliwanag ni Barbers napipigilan ang pagpasok ng foreign capital sa bansa dahil may probisyon sa Saligang Batas na naglilimita sa mga negosyo na kanilang maaaring maging pagmamay-ari. Ang mga probisyong ito ay hindi umano maaaring maamyendahan ng bagong batas kundi kailangang amyendahan ang Konstitusyon.

“That’s why constitutional amendments focused on the economic provisions are urgently needed,” diin ni Barbers.