BBM1 Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Pagbaba ng self-rated poverty bunga ng mga anti-poverty program ni PBBM — Speaker Romualdez

107 Views

IKINATUWA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang resulta ng Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research na nagpapakita ng pagbaba ng self-rated poverty sa ikatlong quarter ng taon.

Naniniwala si Speaker Romualdez na ito ay bunga ng mga pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na matugunan ang kahirapan gamit ang whole-of-government approach.

“The reforms and programs being implemented by President Marcos Jr.’s administration are now bearing fruit. The latest survey shows that over a million Filipino families no longer consider themselves poor, which can only mean one thing: the Marcos administration is succeeding in its mission to reduce poverty,” ayon kay Speaker Romualdez.

“Atin pong ikinagagalak ang magandang balitang ito. Hindi po nasasayang ang ating pagsisikap na mai-ahon ang ating mga kababayan sa Bagong Pilipinas campaign ng ating mahal na pangulo,” sabi pa ng pinuno ng Kamara na binubuo ng mahigit 300 kinatawan.

Ayon sa resulta ng survey, na isinagawa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2024, bumaba ng 5 percentage points ang self-rated poverty. Katumbas ito ng tinatayang 1.4 milyong pamilyang Pilipino na itinuturing na ang kanilang sarili na “hindi mahirap.”

Bukod dito, bumaba rin ang self-rated hunger mula 16 porsiyento patungong 11 porsiyento, na nangangahulugang humigit-kumulang 1.3 milyong pamilya ang hindi na nakaranas na walang makain.

“Despite the global challenges brought about by conflicts and supply chain disruptions, our administration continues to prioritize the welfare of the people, especially the marginalized,” saad pa ni Speaker Romualdez.

“Nakikita na natin ang resulta ng mga programa ng Pangulong Marcos, at ito ay nagbibigay ng pag-asa sa mas maraming pamilyang Pilipino,” dagdag pa nito.

Kinilala ni Speaker Romualdez ang mga programa ng administrasyong Marcos, gaya ng tulong sa pagkain at iba pang social safety nets sa pagbaba ng bilang ng mga mahihirap na Pilipino.

Binibigyang-diin niya ang pagtutok ng gobyerno sa pagtiyak na walang Pilipino ang maiiwan, lalo na sa mga panahong ito ng pagsubok.

“President Marcos has been consistent in his vision of building a resilient economy, one that is capable of withstanding the pressures of international disruptions. Through the administration’s interventions, we are seeing the positive impact on the lives of ordinary Filipinos,” paliwanag ni Speaker Romualdez.

“Dito sa Kongreso, patuloy nating susuportahan ang mga pagsisikap ng administrasyon ni Panguloing Marcos sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga panukalang magsusulong ng economic growth at dagdag social protection sa ating mga kababayan,” saad nito.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang pamamaraan ng administrasyon sa pagtugon sa isyu ng food insecurity ng bansa, na nakatulong sa pagbaba ng self-rated hunger.

Binanggit niya na ang tagumpay ng mga programang ito ay dapat maging inspirasyon para sa patuloy na suporta mula sa pampubliko at pribadong sektor.

“As we move forward, it is essential for everyone—government, private sector and civil society—to work hand in hand to sustain the momentum of our economic recovery.

Dapat nating tiyakin na mas maraming pamilya ang makikinabang sa pag-unlad ng ating ekonomiya,” ayon kay Speaker Romualdez.

“Tuloy-tuloy ang suporta ng Kongreso sa mga polisiya at programa na makakatulong sa ating mga kababayan. We are committed to ensuring that the Marcos administration’s vision of a more equitable and prosperous Philippines becomes a reality,” ayon pa sa kongresista.

“We have started to see the positive changes, but this is only the beginning. With sustained efforts, we can further reduce poverty and provide more opportunities for our people to thrive,” saad pa ng lider ng Kamara.