Rates Source: PTV

Pagbagal ng inflation rate patunay na epektibo mga ginagawa ng Marcos admin — Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Apr 4, 2025
35 Views

IKINATUWA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Biyernes na bumagal ang inflation rate o antas ng pagtaas ng presyo ng bilihin noong Marso.

“This is a welcome development. As I have been saying, this shows that the intervention measures taken by President Ferdinand R. Marcos Jr. and his administration like the drastic reduction in tariff on rice imports and the setting of maximum retail prices for rice and other food items are paying off,” ani Speaker Romualdez.

“We are happy for our people because slower inflation means less financial burden on their part,” dagdag pa ng lider ng 306 miyembro ng Kamara de Representantes.

Ayon sa PSA, bumaba ang inflation rate noong nakaraang buwan sa 1.8 porsiyento, ang pinakamababang antas sa nakaraang anim na buwan.

Noong Pebrero, ang inflation rate ay 2.1 porsiyento. Noong Marso 2024, naitala ito sa 3.7 porsiyento.

Iniuugnay ng ahensya ang pagbagal ng inflation rate sa mas murang pagkain at non-alcoholic beverages.

Sinabi ni Speaker Romualdez na naniniwala siya na ang pagbagsak ng presyo ng bigas ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation noong Marso.

“We are seeing rice prices dropping gradually due to government intervention measures, principally the decision by the President to reduce tariff on imported rice,” ani Romualdez.

Umaasa siyang magpapatuloy ang pagbaba ng inflation o kaya’y mananatiling mababa sa 2 porsiyento.

“As I have stated before, the continuing challenge is for us to keep the increase in food prices down,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Hinimok din ni Speaker Romualdez ang gobyerno na maghanda para sa paparating na tag-ulan, na ayon sa kanya ay karaniwang nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng ilang mga bilihin.

Sinabi niya na patuloy na magsusulong ang Kamara sa paglikha ng mga naaakmang batas at gagamitin ang kanilang oversight power upang tulungan ang Ehekutibo sa paghahanap ng mga paraan upang mas bumagal pa ang inflation rate.