Romulo

Pagbahas ng subject sa Kinder, Grade 3 iminungkahi

170 Views

IMINUMUNGKAHI ng isang Metro Manila solon sa Department of Education (DepEd) na bawasan ang bilang ng mga subjects sa Kindergarten at Grade 3 upang makapag-focus ang mga mag-aaral sa mga “basic subjects” na higit nilang dapat matutunan.

Sinabi ni Pasig City Lone Dist. Cong. Roman Romulo, Chairman ng House Committee on Basic Education and Culture, na mahalagang mabasawan ang mga subject sa Kindergarten ant Grade 3 para matutukan ang mga subject na mas mahalagang matutunan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Romulo, ang mga subject na dapat nakatutok ang buong atensiyon ng mga nasabing mag-aaral ay ang subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC), mathematics at reading na dapat ay grade 1 pa lamang ay nauunawaan na ito.

Ang naging pahayag ni Romulo ay batay sa naging talaan kung saan ang Pilipinas ang pinaka-mahina sa 79 bansa pagdating sa tinatawag na “student reading comprehension” base sa resulta ng 2018 Program for International Student Assessment (PISA).

Ipinaliwanag pa ng Pasig City congressman na ang naging resulta ng Pilipinas sa PISA noong 2018 ay hindi aniya malayo sa naging resulta naman ng National Achievement Test (NAT) na isang examination para sa Grade 6 at Grade 10 upang sukatin ang kanilang competencies.

“Kaya kung titingnan natin ang resulta o scores ay halos pareho naman at hindi malayo kahit na ang NAT ay sa Pilipinas lamang kaya hindi dapat bigatan ng iba ibang subjects ang Grade 1-grade 3 at basic lamang ang ibigay sa kanila,” sabi ni Romulo.