Calendar

Pagbasura ng MRTC Branch 40 sa petisyong inihain ng mga Konsehal ng Asenso Manileño ikinagalak ni Valeriano
NAGPAHAYAG ng kagalakan si Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano matapos ibasura ng Manila Regional Trial Court (MRTC) Branch 40 ang inihaing petisyon ng mga Konsehal na kasapi ng “Asenso Manileño” para sa Temporary Restraining Order (TRO) at writ of preliminary injunction.
Sabi ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na ang hinihiling na status quo ante order ng mga Asenso Manileño councilors ay ibinasura o idinenay din ng MRTC Branch 40.
Paliwanag ng kongresista na nabigo ang mga nasabing konsehal na makombinse ang hukuman ang pangangailangan para magkaroon ng court intervention patungkol sa inihain nilang reklamo.
Ipinahayag pa ng mambabatas na nag-ugat ang kasong ito sa kasagsagan ng bagyo sa Metro Manila na habang lubog sa baha ang City of Manila dahil sa hagupit ng naturang bagyo.