Pagbebenta ng P29 at P43 kada kilo ng bigas palalawakin ni PBBM

Chona Yu Nov 6, 2024
10 Views

PALALAWAKIN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kadiwa Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mula sa kasalukuyang 21, target ni Pangulong Marcos na gawin itong 300 sites sa ikalawang quarter ng 2025.

Sa pulong ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Department of Agciulture at National irrigation Administration, hiniling ng DA sa punong ehekutibo na bigyan ng pondo ang rehabilitasyon at pag-aayos saa mga warehouses na maaring gawing 600 na Kadiwa stores.

Target ng mga Kadiwa stores na makapagbenta ng bigas na tig P29 kada kilo para sa vulnerable sectors gaya ng senior citizens, solo parents, Persons with disabilities, at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Target din ng Kadiwa stores na makapagbenta ng Rice-For-All (RFA) sa P43 kilo o pababa.

Tinatayang nasa 2.3 milyong Filipino ang makikinabang sa Kadiwa stores.

Una nang inaprubahan ng DA ang 148 bagong kadiwa stores sa taong 2024.

Sa talaan ng DA noong Setyembre, nasa 447 Kadiwa pop up stores at on-wheel ang fully operational sa ibat ibang bahagi ng bansa.