Martin2

Pagbibigay ng oportunidad sa bawat distrito na magkaroon ng estudyante sa PMMA iginiit ni Speaker Romualdez

156 Views

IGINIIT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan na mabigyan ng oportunidad na makapasok ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) ang maraming kabataan.

Ayon kay Romualdez ang panukala na maglalaan ng isang slot para sa bawat congressional district sa papasok na freshman sa PMMA ay hindi dapat ituring na special treatment.

“This proposed legislation will not only provide equity, but will also accord the opportunity to study in PMMA to deserving students, especially the youth coming from provinces and far-flung areas,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“This bill does not aim to give special treatment because the applicants must still pass the examination and submit the requirements. But this will definitely ensure that at the very least, youth from across the country can start on a level playing field in terms of access to education in the prestigious PMMA,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ang House Bill 6994 ay inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa. Ito ay nakakuha ng 247 pabor na boto.

Sa ilalim ng panukala, maglalaan ang PMMA ng isang slot sa bawat congressional district.

Kung walang kuwalipikado sa mga aplikante ang slot ay maaaring ibigay ng PMMA sa aplikante mula sa ibang lugar.

Kung ang isang probinsya ay mayroon lamang isang kinatawan, bibigyan ito ng tatlong slot.

Ang PMMA, na nakabase sa San Narciso, Zambales, ay isang pioneer institution sa maritime education. Itinatag ito noong 1820.

Mayroon itong dalawang apat na taong kurso– Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) at Bachelor of Science in Marine Engineering (BSMarE).

Noong 1996 ay sinimulan nito ang pagbibigay ng Master in Shipping Management at Master in Maritime Education and Training program.