Pagbibigay ng travel tax discount para sa mga senior citizens, tinalakay sa pagdinig ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Aug 10, 2023
238 Views

MASUSING tinalakay sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Tourism ang usapin sa pagbibigay ng “travel tax discount” para sa mga Senior Citizens na bumiyahe sa loob at labas ng Pilipinas.

Ito ang nabatid sa Chairman ng Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona na bukod sa pagtalakay sa tatlong pung panukalang batas na nakasalang sa kaniyang Komite kaugnay sa pagsusulong ng turismo sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.

Sinabi ni Madrona na tinutukan din ng Committee on Tourism ang panukalang pagkakaloob ng discount sa travel tax ng mga Senior Citizens. Bagama’t wala pang pormal na napagkasunduan patungkol sa usaping ito.

Gyunman, ipinaliwanag ni Madrona na maaaring ipagpatuloy ng Komite ang diskusyon patungkol dito. Matapos ang nakatakdang deliberasyon ng Kamara de Representantes sa 2024 proposed national budget sa susunod na linggo.

Ayon sa kongresista, magsisimula na sa susunod na linggo ang 2024 budget deliberations. Kung kaya’t maaaring tamaan nito ang pagdinig ng House Committee on Tourism kaya inaasahan na sa September na maipagpapatuloy ng Komite ang pagdinig sa mga naka-pending na panukalang batas.

“Bale tatlong items ang napag-usapan naming ngayon. Thirty House Bills na nagde-declare bilang tourist destinations ang isang partikular na lugar dito sa Pilipinas. Ang isa rin sa na-discuss sa hearing ay yung travel tax na nagbibigay ng discount para sa ating mga Senior Citizens,” ayon kay Madrona.

Nabatid pa kay Madrona na babalikan nila sa susunod na hearing ng Committee on Tourism ang mga issues na hindi nila natapos talakayin. Kabilang na dito ang usapin sa “carrying capacity bill” kung saan sumosobra umano ang bilang ng mga turista nagtutungo sa isang tourist destination.

“Tinalakay din naming ang carrying capacity kasi minsan nakikita natin na itong mga tourist destinations in some point ay sumosobra na ang dami ng mga tao na hindi na kayang silbihan ng available na facilities. Napag-usapan na dapat ang DENR ang manguna sa bagay na ito,” dagdag pa ni Madrona.

Sent from Yahoo Mail on Android