Calendar
Pagbibitiw ni VP Sara sa Gabinete ni PBBM paghahanda para sa 2025 mid-term elections — kongresista
๐๐ก๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐๐ถ๐ ๐ป๐ถ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ-๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ) ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐บ๐ถ๐ฑ-๐๐ฒ๐ฟ๐บ ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐.
Ito ang ipinahayag ni GABRIELA Women’s Party List Cong. Arlene D. Brosas patungkol sa pagbibitiw ng Pangalawang-Pangulo sa kaniyang katungkulan bilang Kalihim ng DepEd at co-vice chairperson naman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Naniniwala si Brosas na maaaring sa simula pa lamang aniya ay wala naman talagang intensiyon si VP Sara Duterte na resolbahin ang krisis at problema sa sistema ng edukasyon o educational system sa bansa dahil ang numero uno umano nitong puntirya ay ang mapanatili ang political clout ng mga Duterte sa darating na 2025 elections.
Ipinaliwanag ng kongresista na ang pagtatalaga umano kay VP Sara Duterte ay naka-ugat o naka-angkla sa takbo ng politika sa bansa. Kung saan, pinaghahandaan na umano nito ang paparating na halalan bagama’t sa susunod na taon pa ito mamgyayari.
Nananawagan si Brosas sa mamamayang Pilipino na maging alerto sapagkat ngayon pa lamang aniya ay nagsisimula ng kumilos ang mga partido politikal bilang paghahanda sa darating na 2025 mid-term elections.
Ikinagalak naman ni Deputy House Minority Leader at ACT Teachers Party List Cong. France Castro ang pagbibitiw ni VP Sara, sa pagsasabing sana ay noon pa umano nito ginawa ang kaniyang resignation.
Binigyang diin ni Castro ๐ป๐ฎ nasayang lamang aniya ang mahigit dalawang taong panunungkulan ni VP Sara sa DepEd sapagkat sa loob ng kaniyang termino ay hindi naman nito nagawang ayusin agad ang krisis sa sektor ng edukasyon kabilang na ang benepisyo at sahod ng mga guro.
Bunsod nito, nananawagan si Castro kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos,Jr. para magtalaga ng karapat-dapat na Kalihim ng DepEd na tunay na magsisilbi sa education sector.

