Martin Sinusuri ni House Majority Leader and Leyte Rep. Martin Romualdez (center) ang makina ng Consolidated Canvassing System (CCS) bago magsimula ang bilangan ng mga boto para sa Pangulo at Vice President sa Kamara de Representantes habang nakatingin si Senate President Vicente “Tito” Sotto (kanan) at House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza (kaliwa). Kuha ni VER NOVENO

Pagbilang ng boto sa Kamara sinimulan na

Mar Rodriguez May 24, 2022
255 Views

SINIMULAN na ng Kamara de Representantes at Senado ang kanilang “joint session” upang mag-convene bilang National Board of Canvassers (NBOC) para bilangin ang mga boto ng mananalong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

Alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas, ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado ang itinatalagang NBOC para bilangin sa pamamagitan ng “national canvassing” ang boto ng mga itatanghal at maluluklok na Presidente at Bise-Presidente ng bansa.

Isinagawa ang “joint session” sa Plenary Hall ng Kamara na dinaluhan ng mga kongresista at mga senador. Si House Speaker Lord Allan Velasco ang nag-preside para sa Kongreso at si Senate President Vicente “Tito” Sotto III naman para sa Senado.

Sinabi ni Velasco sa kaniyang “opening remarks” na layunin ng mga mambabatas sa hanay ng Kamara na tiyakin na ang kagustuhan ng nakararaming Pilipino ang mananaig. Ang kagustuhan nilang mailuklok ang gusto nilang lider na mamumuno sa bansa.

“To ensure that the will of the people in choosing the two highest officials of our country is respected. Let democracy reign in our country. Let the voice of the people be heard,” pahayag ni Velasco sa kaniyang talumpati.

Sinabi naman ni House Majority Leader at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez na pananatilihin ng Kamara ang integridad ng electoral process dahil sa pag-convene ng Kongreso bilang NBOC.

“As we carry out our duty as enshrined in the Constitution, rest assured that we uphold the integrity of the electoral process. We shall ensure the voice of our fellow Filipinos both here and abroad, as expressed through their ballots are reflected and upheld,” ayon naman kay Romualdez.