BBM

Pagbili ng submarine ikinokonsidera pa rin ng Marcos admin

170 Views

IKINOKONSIDERA pa rin umano ng administrasyong Marcos ang pagbili ng mga submarine bilang bahagi ng pagpapalakas ng kakayanan ng Philippine Navy.

At sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroon ding kompanya na nagpahayag ng interes na magtayo ng pagawaan ng submarine at iba pang naval asset sa bansa.

“There is a plan. But it’s still being developed dahil ang commitment para mag-operate ng submarine is not a small commitment. It is a very large commitment because of the training that is involved, the equipment that is involved and the operational requirements that are involved are quite significant,” ani Pangulong Marcos na dumalo sa ika-125 anibersaryo ng Navy.

“So, it is still part of our plan. But right now, we are in the middle of developing mostly our anti-submarine capabilities. So, ‘yun ang uunahin natin and then hopefully when the time comes and the conditions are agreeable then we might be able to acquire those submarines,” sabi pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo kung matutuloy ang pagtatayo ng pabrika ng submarine sa bansa ay makakatulong ito upang madagdagan ang mapapasukang trabaho at kita para sa gobyerno.

“If they are built here and we can actually build submarines here and provide those submarines to other countries then that’s another source of jobs, and of income and increased capability for our Navy,” dagdag pa ng Pangulo.

Nauna ng sinabi ng Department of National Defense (DND) na hindi prayoridad sa ngayon ang pagbili ng submarine at ang pinagtutuunan umano ng pansin ay ang pagpapatupad ng mga nilagdaang kontrata ng nagdaang administrasyon.