Martin

Pagbisita ng Vietnam National Assembly chairman sa PH ikinalugod ni Speaker Romualdez

130 Views

IKINALUGOD ni Speaker Martin G. Romualdez ang napipintong pagbisita sa Pilipinas ni Vietnam National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue bago matapos ang Nobyembre.

“I welcome the visit of Vietnam National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue to the Philippines this month. This kind of high-level political exchanges and interactions will go a long way to foster and enhance the long-standing relationship and partnership between our two countries,” sabi ni Romualdez.

Sa isinagawang bilateral meeting, sinabi ni Vietnam Prime Minister Chinh kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpunta ni Hue sa Pilipinas sa Nobyembre 25.

Sa pagpupulong ay nagkasundo ang dalawang lider na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam sa larangan ng depensa, kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, at maritime security.

Sinabi ni Romualdez na maraming matututunan ang Pilipinas sa Vietnam.

“It would be mutually-beneficial for the two countries to strengthen our relationships. We can learn from each other’s best practices in addressing common challenges facing us such as the effects of the pandemic and the headwinds of global inflation,” dagdag pa ni Romualdez.

Nakapagtala ang Pilipinas ng 7.6 porsyentong growth rate sa ikatlong quarter ng 2022, ang ikalawang pinakamataas sa rehiyon sunod sa Vietnam na nakapagtala ng 13.7 porsyento.