Martin1

Pagbisita ni PBBM sa Malaysia pakikinabangan ng mga Pilipino—Speaker Romualdez

155 Views

KUMPIYANSA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na pakikinabangan ng mga Pilipino ang magandang relasyon na nabuo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang opisyal na pagbisita sa Malaysia.

Si Speaker Romualdez ay bahagi ng delegasyon nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos na binigyan ng State Welcome Ceremony sa Istana Negara (Malaysia’s National Palace).

Ang delegasyon ni Pangulong Marcos ay mainit na tinanggap nina King Al-Sultan Abdullah at Queen Azizah, kasama sina Prime Minister Anwar Ibrahim at misis nitong si Dr. Wan Azizah Wan Ismail.

“The warm welcome accorded to President Marcos by King Abdullah and Prime Minister Anwar augurs well for the expansion of economic and trade partnership, as well as in further strengthening our friendly relations with our fellow ASEAN partner Malaysia,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ayon kay Pangulong Marcos ang kanyang pagbisita ay naglalayon na palakasin ang tulungan ng Pilipinas at Malaysia sa larangan ng agrikultura at pagpapatatag ng suplay ng pagkain, digital economy, turismo, people-to-people exchanges, at iba pang bagay kung saan mayroong kapwa interes ang dalawang bansa.

“On the part of the House of Representatives, we are open to considering possible measures that would help enhance the partnership that would redound to the mutual benefit of the peoples of the Philippines and Malaysia,” sabi ni Speaker Romualdez.

Kasama umano sa mga panukala na tutukan ng Kamara ang House Bill No. 07118 na mag-aamyenda sa Republic Act No. 9997, o ang National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009 upang mapatatag ang lokal na Halal industry ng Pilipinas.

Ang napagkasunduan upang pagpupulong ng Philippine-Malaysia Joint Commission ay magbibigay daan upang pag-usapan ang mga larangan kung saan maaaring pumasok sa kasunduan ang dalawang bansa.