Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Pagcor

PAGCOR nagbigay ng panig ukol sa mga isyung tinalakay sa Senado

330 Views

NAGPAHAYAG ng panig ang Philippine Amusement and Gaming Corporation nitong Martes sa mga isyu na tinalakay sa isinagawang pagdinig sa Senado noong Enero 23, 2023.

Sa kanilang pahayag, nagpasalamat sa Senado ang PAGCOR dahil nabigyan ito ng pagkakataon na mabigyang linaw ang mga nasabing isyu.

Narito ang buong pahayag ng PAGCOR:Nagpapasalamat ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Senate of the Philippines para sa pagkakataong linawin ang ilang bagay hinggil sa offshore gaming license operations sa bansa.

Kaugnay nito, nais ng PAGCOR na ituwid ang mga maling impormasyong lumabas sa isinagawang pagdinig ng Senado noong January 23, 2023:

Tungkol sa mga insidente ng kidnapping

Walang napabalitang krimen o mga insidente ng kidnapping sa mga empleyado ng offshore licensing industry sa nagdaang mahigit tatlong buwan. Ito’y bunga ng inter-agency cooperation meeting na nilahukan noong September 2022 ng PAGCOR, Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang labanan ang illegal gaming operations, kabilang na ang offshore gaming.

Gayundin, pinagtibay ang pakiki- pagugnayan sa hanay ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Bureau of Immigration (BI) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) para hadlangan ang anumang iligal na aktibidad at labor practices na may kaugnayan sa offshore gaming operations sa bansa.

Mahigpit na binabantayan ng PAGCOR ang mga kasong kinasasangkutan ng MOA Cloudzone Corp. at Brickhartz Technology Inc. Habang ang kaso ng MOA Cloudzone Corp. ay dinismis ng DOJ noong November 15, 2022, ang kasong kinasasangkutan ng Brickhartz Inc. ay patuloy na sinisiyasat. Patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa PNP at ibang ahensya kaugnay ng bagay na ito.

Giit ng PAGCOR na hindi nito binabalewala ang mga ulat na ito kasabay ng pagtiyak na ang lahat ng aming gaming licensees ay tumatalima sa batas.

Sinisiguro rin ng PAGCOR sa publiko na masusi nitong tinututukan ang nasabing bagay at handa itong magsagawa ng mga kaukulang hakbang, kabilang na ang kanselasyon ng mga lisensya at service provider accreditations, kapag napatunayang may nagkasala.

Tungkol sa third-party auditor ng offshore licensees (Global ComRCI)

Ang third-party auditor para sa offshore licensees na Global ComRCI ay nagawaran ng kontrata noong December 2017. Ang nasabing service provider ay nagdaan sa karampatang bidding process at nakatugon sa mga pangangailangang legal sa ilalim ng Procurement law.

Sa pagpasok ng bagong liderato ng PAGCOR, sumailalim sa pagrerepaso ang kontrata ng Global ComRCI noong September 2022. Tinitiyak ng PAGCOR sa mga Senador na ang pagrerepaso ay agad na tatapusin at ipalalabas sa takdang panahon.

Kami ay nakikipag-ugnayan sa Global ComRCI at kasalukuyang pinag-aaralan ang mga nakasaad sa kontrata, kabilang na ang performance ng nasabing kumpanya.

Limang taon pa lamang na may operasyon sa bansa ang offshore gaming industry sa ilalim ng PAGCOR. Maliban sa ibinabayad nitong buwis sa national at local government mayroon itong tinatayang 25,000 empleyadong Pilipino at nag-aambag ng bilyong piso sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng real estate activities, consumption at indirect employment. Hangad ng PAGCOR na pagyamanin pa ang industriyang ito sa paniniwalang higit pa ang maiaambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas at sa pagtataguyod ng bansa. #