Bustamante Pinangunahan nina ASRAI President Jeth Bustamante, Baler Vice Mayor Lian Angara, Stella Del Mattino Builders Technical Director John Carby, PSC Chairman John Patrick “Pato” Gregorio at WSL Asia-Pacific Tour Director Ty Sorati ang ceremonial surf breaking bilang hudyat ng pagsisimula ng WSL Challenger Series sa Baler, Aurora.

PAGCOR todo-suporta sa WSL Challenger Series sa Baler

187 Views

TODO-SUPORTA ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa World Surf League (WSL) Challenger Series sa Baler, Aurora, na inaasahang magpapaangat sa pangalan ng Pilipinas bilang nangungunang surfing destination.

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco, malaking karangalan para sa ahensya ang maging sponsor ng isang global league na nagtatampok ng world-class surfers sa mga tanyag na surfing spots sa buong mundo, kabilang na ang Siargao, La Union at Baler.

“We proudly support the WSL Series, which showcases emerging surfing talents and shines a global spotlight on the world-class waves of the Philippines,” ani G. Tengco ukol sa torneo, na nagsimula noong Nobyembre 17 at magtatapos sa Nobyembre 23.

Dagdag pa niya, “This competition provides Filipino surfers with a bigger stage to showcase their skills while helping promote sustainable coastal development in surf communities.”

Sinabi rin ng PAGCOR chief na umaasa silang magiging matagumpay ang event at mas maraming Filipino surfers ang bibida sa pandaigdigang surfing scene.

“We look forward to a successful WSL Challenger Series and to seeing more Filipino surfers make a mark on the international surfing scene,” aniya.

Ang WSL ang nangungunang global platform para sa professional surfing, na taon-taong nagtatanghal ng elite competitions sa top surf destinations sa buong mundo. Ang Challenger Series ang nagsisilbing qualifying stage para sa mga atletang target makapasok sa prestihiyosong WSL Championship Tour, kaya’t dinarayo ito ng top professionals at rising stars mula sa iba’t ibang bansa.

Matagal nang bahagi ng WSL circuit ang Pilipinas, partikular ang Siargao na 29 taon nang host ng league-sanctioned events. Dahil dito, mas lalo pang nakilala ang bansa, lalo na ang Cloud 9 sa Siargao, pati na ang surf hubs sa Baler at La Union, bilang pangunahing destinasyon ng surfers at adventure tourists.