Vargas ALTODAP president Boy Vargas

Pagdami ng motorcycle taxis dapat pigilan–ALTODAP

Jun I Legaspi Nov 15, 2024
70 Views

NAGPAPASAKLOLO na ang malalaking transport groups kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagdami ng mga motorcycle taxis na kumakain sa hindi bababa sa 50 porsyento ng kanilang kita araw-araw.

Sinabi ni ALTODAP president Boy Vargas na ang masamang epekto ng hindi makontrol na pagdami ng mga motorcycle taxi isa na sa mga pangunahing alalahanin hindi lamang sa loob ng kanilang organisasyon kundi maging sa iba pang transport groups.

“Padami ng padami ang mga motorcycle taxi hindi lang sa Metro Manila dahil ito sinusubaybayan din ng aming mga miyembro sa ibang malalaking syudad sa ating bansa at talagang matinding epekto ang idinudulot nito sa ating mga tsuper at operator,” ani Vargas.

Nanawagan din si Vargas kay House Speaker Ferdinnd Martin Romualdez na tulungan ang transport group kahit man lang sa pag-regulate ng mga motorcycle taxi.

“Hindi lang ito gagamit ng epekto sa atin ng mga transport groups, ito rin ay isyu ng trapik at kaligtasan ng mga pasahero lalo na at marami din sa mga motorsiklo na ito iligal na namamasada,” ani Vargas.

Ayon sa LTFTRB, tatlong motorcycle ride-hailing company lamang ang pinapayagang mag-operate ngunit sinabi ng mga transport group na ang pagdagsa ng mga motorcycle taxi manipestasyon ng kahirapan o pagkabigo sa regulasyon.

Idinagdag pa ng transport group na ang pagdami ng mga motorcycle taxi nangyayari sa panahon kung saan ang gobyerno dapat na magsasagawa ng pilot study sa posibilidad nito.

“Kung pilot study pa lang, bakit andami na at hindi na makontrol? Hindi ba dapat kung pinag-aaralan pa lang dapat kontrolado ang bilang ng mga ito.,” ani Vargas.

Kaugnay nito hinimok ng mga transport group ang LTFRB na ihinto ang pag-accredit ng mas maraming motorcycle taxi dahil mas maraming accredited ang mga motorsiklo at mas malaki ang epekto nito sa iba’t ibang transport groups.

Nanawagan din sila ng masusing konsultasyon sa lahat ng stakeholders hinggil sa operasyon ng mga motorcycle taxi.